Tuesday, June 7, 2011

PASENSIYA NA KUNG BAKIT?

Bakit pag ako na kausap mu...nagmamadali ka?
Bakit pag ako na kausap mu...inip na inip ka?
Bakit pag ako na kausap mu...wala kang tiyaga?
Bakit pag ako na kausap mu...feeling ko nakamangot ka?
Bakit pag ako na kausap mu...ang tipid mung magsalita?
Bakit pag ako na kausap mu...busy-busyhan ka na?
Bakit pag ako na kausap mu...may gagawin ka pa..xa cge na..babay na?


Tamang hinala lang ba ako..o sadyang malakas lang ang kutob ko?

Pasensya na...hindi ako mag-iisip ng ganito...kung consistent ka lang magparamdam...

Mahaba haba na rin ang pinagsamahan natin at marami na rin tayong pinagdaanan,
pero hanggang ngayun di pa rin kita totoong kilala...
hindi ko intensyon na sumbatan ka..
nais ko lang ipabatid sayo na hanggang ngayun ako'y nananatiling ligaw,
nangangapa't nangangamba..
Hindi ko pa rin alam kung nasaan ba talaga ako dyan sa puso mo?

Ang alam ko lang sayo, ayaw mu ng kinokontra ka at ayaw mo ng ganitong drama-drama...
pero pasensiya na,eto lang ang paraan ko para mailabas sama ng loob 
at sakit na nararamdaman ko,
Hindi ako bato, tao ako,nasaktan mu na ng napakaraming  beses at magpahanggang ngayun....umaamot pa rin ako sayo ng totoong atensyon at pagmamahal..

Bahagi man ng buhay mag asawa ang ganitong eksena, magiging maayus naman ang lahat
kung magpapakalalaki ka lang na ayusin at pag usapan ang mga ganitong bagay..
Nirerespeto kita hindi lang bilang kabiyak kundi bilang ama ..
pero sana naman hindi mga tinuturing na kamalian at pagkukulang ko lang 
ang mapansin mu bagkus sana khit paano bigyang halaga mu ang
mga sakripisyo ko't pagtitiis..

Maaaring may pagkamartir ako at madaling mauto pero hindi ako tanga..
Maaaring hindi tama ang ginagawa kong ito pero kahit anu pang sabihin mu at ng iba..
mas makikinig ako sa sasabihin ng puso ko..at iyon ang ipaglalaban ko...
Maaaring hindi ako ang babaeng pinangarap mu at posibleng pilit lang ang mga sitwasyon kung kayat naging tayo at hanggang ngayon tayo pa rin,..pero kung meron mang napipilitan na lang...alam kong hindi ako yun...


3 comments:



Search Post...

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner