Thursday, March 3, 2011

PARA SA'YO KAIBIGAN..

Masarap magmahal..

Pero mahirap ang magmahal ng sabay, mahirap mamili sa huli, at masakit ang iwan ang isa..

Pero, paano kung nagkamali ka ng pinili? At napagtanto mo na mahal mo pa rin si iniwan..

Babalikan mo pa ba si iniwan? Eh paano kung wala ka ng balikan?..pipilitin mo na lang bang magsaya sa piling ng pinili mo?..tsk.?

Hanggang kelan?

Kung may alinlangan sa tunay na nararamdaman sa kasalukuyan...ngayon pa lang pare..tigilan na, tapusin na.. huwag ka ng magpakita ng motibo para mas mahalin ka pa niya..hindi madaling gawin..pero kung masasaktan mo rin siya sa huli..huwag mo ng hintayin lumalim pa ang sugat na lilikhain mo para sa kanya...

Hindi basehan ng tunay na pagibig ang pagkakapareho sa maraming bagay, dahil kaalinsabay ng paglipas ng panahon, ang pag iiba ng mga prayoridad niyo sa buhay...
Ang mahalaga sa ngayon, timbangin mo kung ano ba talaga, tunay na binubulong ng isip at puso mo,.....

Sabi mo nga..
"hindi importante ang nakaraan, walang nakakaalam ng bukas, ang mahalaga'y ang kasalukuyan"

may konek ba?

Hindi ako nagmamagaling , pero ang akin lang, hindi mo mahahanap ang tamang kasagutan kung hindi mo susubukan. Masaktan na ang masaktan, umiyak na ang umiyak. Oo't apektado ka pag may nasasaktan ka, pero parte yan ng buhay...

Walang perpektong relasyon, ang mahalaga ay ang pagtanggap sa maaaring kahinatnan. Malawak na pang unawa, hindi kagahaman, wagas na pagibig ang magsisilbing pundasyon upang manatili ang bawat isa sa inyo..

Kung sadyang laan ang isa sa'yo, darating at darating siya sa tamang pagkakataon at sa oras na iyon, handa ka na. Kaya mo yan..pare!

No comments:

Post a Comment



Search Post...

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner