Thursday, September 22, 2011

URI NG KAIBIGAN


Marami ka bang kaibigan? Kilala mo na ba talaga silang lahat? Nakasisiguro ka bang kaibigan mo talaga sila? Kwidaw ka , mag isip- isip ka na at basahin ang mga sumusunod na 10 uri ng kaibigan na naaayon sa kanilang kilos, pag-uugali at pakikisalamuha.

10. Kaibigang Artificial - Tinawag itong  artificial dahil hindi tunay . Samakatuwid isang peke! At eto ang mga kaibigan na tinatawag na "Plastik". Nakow! Sila yung mga kaibigan na pang- imbabaw lang ang drama. Pag nakaharap ay okay. Madalas kang purihin to the max at nagsasabi na magaling ka, kahit hinde. Pero eto na....pag nakatalikod
 na ay wala nang pakialam. Puros negatibo na ang sinasabi laban sayo.

9. Kaibigang Talangka - Eto ang uri ng kaibigan na may pag- iisip na "Crab Mentality". Eto yung mga kaibigan na ayaw masasapawan. Natatakot silang mapag-iwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay pa yan.Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na hihila sayo paibaba. May ganon!

8. The Parasites - Sila ang kaibigan na kung tawagin ay “The Blood Sucker”, animoy linta kung kumapit. Sisipsipin nila katas at dugo mu Pati libag mu hihimurin hanggang masaid ka. Eeww! Sila ang kaibigang lalapit lang sa oras ng gipit, nagiging malambing at nambobola kung kinakailangan. Iiwan ka na sa ere pag nakuha na nila ang kailangan nila .

7. Bodyguards - Eto naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Na kahit magmukang alalay..okay lang. Pero ang gusto nila ay yung mga gwapo or maganda, astig pumorma, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila sa mga ganitong tao ay magiging "cool" na rin sila. Tsk…Galing noh!

6. Ka-i-bi-gan – Eto yung mga kaibigan na may “Hidden Desire”. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun  Kung dumiskarte pasimple. Sila ang iyong kaibigan na may lihim na pagtingin sayo. Na dadainin ka muna sa simpleng pakikipagkaibigan. Sa huli sila ay manliligaw na pala.

5. The Mushrooms - Eto ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute. Sing tigas ng bakal ang pagmumukha at dehins sila tinatablan ng kalawang. Present pag may ‘Libre”. Sila ang mga kaibigang bigla na lang lilitaw pag may birthday, binyag, kasal,outing at kung anu-anu pang okasyon na may handaang Bongga. Asahan mu pa pag tumama ka ng Lotto! Hindi magpapahuli sa balato. Nakapila na yan as Bodyguard. Matinde noh!

4. The Traitors - Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Itinuturing mo silang kaibigan pero hindi ka nila itinuturing na kaibigan. Parang wala lang.

3. Brothers/Sisters - Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan. Game lagi at hindi boring kasama.

2. Golden Friends - Eto ang uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo ng magkakilala, maluma man ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at kilalang-kilala ka na.

1. Tunay na Kaibigan - At last. Sila ang kaibigan na pinaka-rare sa lahat. Totoong kasama at hindi mapagkunwari. Superhero kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka. Magkaiba man ang bawat pananaw at prinsipyo sa buhay , nananitiling bukas pa rin ang wallet este ang isip upang makinig sa kahit anung drama meron ka. Mabuhay ka kaibigan!


Oh, Ikaw kaibigan..Sinu-sino na ba dyan sa sampu ang naexperience mo? At kung sakaling ikaw naman ,alin ka ba diyan sa sampu?

5 comments:

  1. Nice post! :) Mas gusto ko na kokonti man ang aking kaibigay ay tunay naman. Nakaencounter na kasi ako ng mga traitors, artificial at talangka! :(

    Have a nice weekend po. Take care!

    ReplyDelete
  2. Salamat Karla, sa pagtugon sa artikulong ito:) naway ang mga pasaway na naging kaibigan mo ay panain at ipakain kay lolong!!!nang hinde na makarampa!hehe..joke:D
    salamat muli at Yngatz po lagi..

    ReplyDelete
  3. naks! may infolinks ka na!!:)) congrats ate ai! happy blogging

    ReplyDelete
  4. Nice ate, can I get your email ? I have a private queries to ask :) Thanks !!

    ReplyDelete
  5. tnx...martin,
    len_anastacio@yahoo.com.ph

    ReplyDelete



Search Post...

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner